Mismong mga opisyal na ng Iloilo City sa pangunguna nina Mayor Geronimo Treñas at Iloilo Rep. Julienne Baronda ang kumastigo sa Panay Electric Company (PECO) sa ginagawa nitong panlilito sa mga consumers sa usapin ng electricity distriution system sa lalawigan.
Ayon kina Baronda at Treñas may nakabinbin na petisyon sa Korte Suprema na kinikuwestiyon ang legalidad ng ginawang pagtake over ng More Power and Electric Corp (More Power) bilang distribution utility sa Iloilo.
Ito umano ang siyang dapat na hintayin na lamang ng PECO sa halip na magbigay ng mga mali maling impormasyon sa mga consumer na nagdudulot ng kalituhan at tensiyon.
Noong Pebrero 2020 ay tinakeover na ng More Power ang pamamahala sa power supply sa lalawigan resulta ng hindi pag-renew ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO dahil sa isyu ng overbilling, palpak na serbisyo at sira sirang pasildiad, kasunud ng pagkansela ng prangkisa ay tinanggalan na rin ng Energy Regulatory Commission(ERC) ng operational permit na Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) ang PECO habang kinilala ang More Power na syang lehitimong distribution utility sa Iloilo City.
Ani Baronda sa patuloy na negatibong publicity na ginagawa ng PECO ay malinaw na hindi pa rin nito tanggap ang pagkawala ng kanilang prangkisa at CPCN.
“Those activities tend to sow confusion as to who is the real and legal distribution utility in Iloilo City. I advise PECO to await the final ruling of the Supreme Court. I pray that PECO will heed the appeal for sobriety and wait for the Supreme Court to decide on the issue,” paliwanag ni Baronda.
Aminado naman si Treñas na dismayado ito sa ipinalalabas ng PECO na sila pa rin ang distribution utility sa Iloilo kaya naman napilitan nang magpalabas ang kanyang tanggapan ng opisyal na statement na nagsasabing hindi na ang PECO kundi ang More Power ang syang dapat na makipagtransaksyon sa mga electric consumers bilang sila ang siyang kinikilala ng batas.
Tinawag naman ni Iloilo City Councilor Alan Zaldivar na “desperate act” ang ipinalabas na publicity ng PECO kung saan ipinalabas nito na ang Iloilo City council members na kabilang pa siya ay nagagalit sa More Power dahil sa nararanasang brownout.
Ayon kay Zaldivar sa isinagawa nilang City Council Investigation kamakailan ukol sa nararanasang brownout ay humarap sa konseho si More Power President Roel Castro at ipinaliwanag nito na ang power interruption ay resulta ng kanilang ginagawang pagpapalit ng mga sirang linya ng kuryente at lumang mga substation ng PECO.
Sa naging presentasyon sa konseho ni Castro ay sinabi nito na may 900 points sa electricity distribution system sa Iloilo ang tinukoy ng Miescor Engineering Services Corp na hotspot o lubhang mapanganib nang sumabog dahil sa overheat kaya naman paspasan ang kanilang ginagawang mga pagpapalit at pagkukumpuni na nagreresulta sa power interruption.
“The repair and maintenance that we have been implementing are necessary to extend the life of the substations and prevent breakdowns which could lead to massive and prolonged brownouts,” paliwanag ni Castro sa isinagawang fact-finding session ng City Council.
Sinabi ni Zaldivar na pinakinggan at naunawaan nila ang paliwanag ng More Power sa nararanasang magkakasunud na brownout sa Iloilo City subalit kabaligtaran naman ang lumabas sa ilang mga pahayagan.
“National tabloids even bannered stories indicating that I castigated Mr. Castro, which is a total lie. I have not, in any way, castigated or imputed anything bad against the president of MORE. In fact, we were so thankful at the City Council for MORE’s presence in the Fact-Finding investigation because MORE cleared all the air of doubts regarding the prevailing power situation in the city of Iloilo. And we really appreciate that kind gesture, a gesture that the former composition of the City Council never had during the time of PECO,” paliwanag ni Zaldivar.
Naniniwala si Zaldivar na ang mga maling mga impormasyon na lumalabas ay galing sa kampo ng PECO.
“It seems that PECO-instigated the news article depicting me to be publicly condemning MORE Power’s management of the distribution system maliciously intended to mislead the public into thinking the City Council members remained unhappy with MORE Power’s performance when it started operating the city’s power distribution system, but on contrary, the city councilors appreciated Castro’s open report on what is happening to the city’s electricity distribution system and the preventive maintenance work being done by MORE Power to help worse power outages and danger to the life and property of Ilonggos”dagdag pa nito.
Hindi naman naiwasan ni Zaldivar na ikumpara ang PECO at More Power sa pagharap sa isyu ng bronwout sa lalawigan, aniya, noong panahon ng PECO ay hindi ito dumadalo sa patawag na imbestigasyon ng City Council at sinasabing sa ERC at House of Representatives lamang ito magpapaliwanag na malayo umano sa sitwasyon sa ngayon sa panahon ng More Power na nakikipagtulungan ito sa Local Government para matiyak ang mas maayos at ligtas na serbisyo.