ILOILO CITY – Nagpaabot ng pagbati si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., sa Ilongga na si Rabiya Mateo sa kanyang pagsabak sa 69th Miss Universe pageant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo lloilo kay Defensor, sinabi nito na 100 percent na nakasuporta ang Iloilo Province kay Rabiya.

Ayon sa gobernador, sana ay makadagdag sa kumpyansya ng Ilongga beauty queen ang suporta ng kanyang mga kababayan.

Nanawagan naman si Defensor sa mga Ilonggo na suportahan si Rabiya sa anumang paraan sa kanyang pagtapak sa Miss Universe stage.