ILOILO CITY – “All systems go” na ang Iloilo Festivals Foundation Incorporated para sa Opening Salvo ng Dinagyang Festival 2020.

Ang Opening Salvo ng Dinagyang Festival ay gaganapin sa Enero 10 ng hapon kung saan isasara ang ilang daan sa City Proper area upang bigyang daan ang nasabing aktibidad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Joebert PeƱaflorida, presidente ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na sa kabila ng agam-agam, lubos ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga stakeholder lalong-lalo na sa Iloilo City Government.

Ayon kay Penaflorida, nararapat lamang na suportahan ng mga Ilonggo ang selebrasyon na nagpapakita ng kultura ng mga taga-Panay.

Inihayag ni PeƱaflorida na sold out na rin ang ticket para sa Dinagyang 360 degrees kung saan matutunghayan ang world class performance ng 8 competing tribes.

Bukas sa Opening Salvo, matutunghayan ang performance ng mga tribu na sasali sa Dagyang sa Calle Real at Dinagyang 360 degrees at may parada rin ang 11 kandidata sa Miss Iloilo 2020.

Maliban sa kultura, magiging sentro ng tema sa Opening Salvo ay ang endemic at endangered species sa Western Visayas.