ILOILO CITY – Isolated ngayon si Iloilo City Mayor Jerry Treñas matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpaswab test matapos makaranas ng sore throat, stuffy nose at pananakit ng katawan.

Sa ngayon, naka-work from home ang alkalde habang hinihintay ang resulta ng kanyang swab test.

Napag-alaman na bago makaranas ng flu like symptoms ang alkalde dumalo pa siya sa simulation exercise ng COVID-19 vaccination at nakipagpulong pa sa mga pastor.

Nanawagan rin si Treñas sa publiko na tulungan siya sa panalangin upang gumaling sa nararanasang flu like symptoms.

-- Advertisement --