-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ikinagalak ng Iloilo City Government ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na luwagan ang quarantine classification ng lungsod mula sa Enchanced Community Quaratine (ECQ) patungong modified enhanced community quarantine (MECQ)

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na pinawi mismo ng Malacañang ang kanyang pangamba na hindi na mabibigyan ng sapat na bakuna ang lungsod matapos niluwagan ang quarantine classification.

Ayon sa alkalde, ang mensahe sa paghingi ng dagdag na bakuna ay ipinadala niya mismo kina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr at testing czar Secretary Vince Dizon, Interior Undersecretary Epimaco Densing III at Health Undersecretary Dr. Myrna C. Cabotaje.

Napag-alaman na hanggang sa Martes na lang ang natitirang bakuna sa Iloilo City.