-- Advertisements --
image 21

Pinuri ng International Labor Organization (ILO) ang commitment o dedikasyon ng Marcos administration para sa pasusulong ng reporma sa labor industry habang binabalanse ang ekonomiya at pagrekober mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni International Labor Organization Director General Gilbert Houngbo ang naturang pahayag kasabay ng kaniyang apat na araw na official visit sa Pilipinas.

Siya rin ang unang International Labor Org. chief na bumisita sa nakalipas na pitong dekada.

Nakipagkita din ang opisyal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa mga opisyal ng Labor at Migrant Workers departments gayundin sa ilang labor, union at employer’s group.

Natalakay din nito sa Pangulo ang suhestiyon at outcome ng high level tripartite mission ng International Labor Organization na bumisita sa bansa noong Enero sa hangaring matulungan ang labor union leaders.