Binigyang diin ng grupo ng Digital Pinoy’s campaigner na ang ilang mga Pilipino na nawalan ng pera sa kanilang mga electronic wallet ay maaaring nabiktima ng isang ilegal na platform ng pagsusugal.
Nauna nang naiulat ang ilang account holder na nawalan ng libu-libong piso sa kanilang mga e-wallet bago sumapit ang Bagong Taon.
Sinabi ng NBI Cybercrime Division na nakatanggap sila ng 30 reklamo ng mga taong nawalan ng pera sa kanilang mga electronic wallet.
Ayon kay Atty. Raymond Panotes, NBI Cybercrime Division executive officer, kailangan aniyang imbestigahan ng NBI kung ang mga nagrereklamo ay biktima ng phishing attacks sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono o kahina-hinalang email.
Sinabi naman ni Atty. Jeremy Lotoc, chief ng NBI Cybercrime Division, na zero day exploit o iba pang cybercriminal activity ang maaaring nasa likod ng kahina-hinalang aktibidad.
Sinabi ni Digital Pinoys Campaigner Ronald Gustilo na tila na-debit ng online gambling platform ang mga account ng mga nagrereklamo.
Aniya, maaaring sila ay nabiktima ng illegal gambling platform.
Una na rito, pinag-iingat ng mga ahensya ang publiko laban sa mga easy money scheme na talamak ngayon at bumibiktima ng mga Pinoy.