-- Advertisements --

Nagtipon sa isang maliit na kilos protest ang ilang tindera sa Agora Market sa San Juan City para tutulan ang mobile palengke na inilunsad ng dati nitong bise alkalde na si Janella Estrada.

Reklamo ng mga vendor na nalulugi ang kanilang negosyos sa palengke dahil sa mas mura na presyo ng mga tinda sa rolling stores ng former vice mayor.

Halimbawa na raw dito ang benta sa isang kilo ng baboy na P110-per kilo lang sa rolling store kumpara sa P240-per kilong benta sa palengke.

Wala pang reaksyon sa ulat si Mayor Francis Zamora.

Pero kamakailan nang punahin ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang alklade dahil sinasabotahe umanon nito ang inisyatibo ng anak.

Pinapasok sa palengke ang mga tindera matapos ang kanilang programa para hindi malabag ng mga ito ang ipinatutupad na physical distancing.