-- Advertisements --

Nagbabala ang dalawang major diagnostic companies sa Estados Unidos na mas lalong bumabagal ang paglabas nila ng COVID-19 test results dahil sa lalong pagtaas ng kaso sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Quest Diagnostics, sinabi nito na ngayon ay umaabot na ng apat hanggang anim na araw ang resulta para sa general population. Ito ay mas mahaba umano kumpara sa dalawa hanggang tatlong araw na resultang inilalabas ng naturang kumpanya.

Ayon sa ospital nanatili nilang prayoridad ang mga tests ng mga pasyente na nasa ospital at symptomatic health care workers.

Dagdag pa ng Quest mas lalong bumagal ang release ng test results dahil sa biglang pagtaas ng coronavirus cases sa South, Southwest at Wester regions ng Amerika.

Umaabot naman dati ng isa hanggang dalawang araw bago ilabas ng LabCorp ang resulta na kanilang hawak subalit ngayon ay tumatagal na ito ng dalawa hanggang apat na araw.

Kapwa balak ng dalawang kumpanya na paigtingin pa ang kanilang testing capacity simula ngayong buwan ng Hulyo.