Reading Time: 1 minute

ZAMBOANGA CITY – Lumitaw ang ilang mga kaso ng acute flaccid paralysis o AFP na isa sa mga sintomas ng polio virus sa bahagi ng Zamboanga Peninsula.

Sa impormasyong ibinigay ni Zamboanga City Health Officer Dr. Dulce Amor Miravite sa Star FM Zamboanga, “under surveillance” na ang mga subject na nagpakita ng mga nasabing sintomas.

Pagtitiyak nito, minomonitor na ng Zamboanga City Health Office katuwang ang Department of Health Region IX ang kasong ito.