Tutol ang ilang opisyal at miyembro ng Senado sa panukalang amyenda sa saligang batas.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, noon pa man ay kontra na siya sa charter change (CHA-CHA) at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya susuporta sa hakbang na ito.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na walang solid support na makukuha sa Senado ang anumang pagbabago sa saligang batas.

Naniniwala naman si Sen. Cynthia Villar na dadaaan sa matinding konsultasyon ang isinusulong ng House of Representative na pagbabago sa saligang batas.

Iginiit ni Villar na kapag ang usapin sa Cha Cha o pagbabago ng saligang batas maraming tumututol dito.

Maging ang minorya sa Senado ay hindi rin kumbinsido sa timing ng nasabing panukala.

Magugunitang inihain kamakailan sa Kamara de representantes ang pagsusulong ng CHA-CHA na agad na tinutulan ng Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso.