-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang Department of Transportation para sa mga motorista kaugnay sa nakatakdang pagsasara ng ilang bahagi ng Ninoy Aquino Avenue mula bukas, August 19 hanggang sa Lunes, August 22.

Ito ay dahil sa isasagawang konstruksyon ng Ninoy Aquino Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa DOTr, pansamantalang isasara ang southbound at northbound lanes malapit sa Imelda bridge sa may Ninoy Aquino Avenue na nagkokonekta sa Pasay City at ParaƱaque City sa oras na 6pm ng August 19 hanggang 5am ng August 22.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong motirista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Sa mga magmumula sa northbound kumanan lamang patungong Old Sucat Rd. (Front of SM Sucat ) C5 Extension Rd. Multinational Ninoy Aquino Ave. at maaari ding Kumaliwa patungong Kabihasnan (Victor Medina St.) Quirino Ave. or Cavitex Coastal Rd.

Sa southbound naman, kumaliwa lamang patungong Multinational C5 Extension Rd. AMVEL Ninoy Aquino Ave. o kumaliwa sa Multinational C5 Extension Rd. Old Sucat Rd. exit (Head Quarters/Brgy. San Dionisio Hall) U-turn sa Palanyag o kaya naman ay dumaan sa Quirino Ave. Kabihasnan (Victor Medina St.) Ninoy Aquino Ave.