CAUAYAN CITY – Humihingi ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Italy ng kongkretong kasagutan mula sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa ipinangakong tulong sa kanila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ka Nonieta Adena, Vice President ng OFW Watch sa Italy, sinabi niya na hanggang ngayon ay patuloy silang naghihintay ng mga kasagutan sa kanilang mga hinaing.
Nauna na silang sumulat sa konsulada at embahada ng Pilipinas sa Italy, pero hanggang sa ngayon ay wala aniya silang nakuhang sagot mula sa mga ito.
Ilan sa kanilang kahilingan ay mabigyan ng cash assistance ang mga OFWs na nawalan ng trabaho sa Italy dahil sa COVID-19 pandemic.
Ilan kasi aniya sa mga OFWs sa bansa ay nawalan ng trabaho sublit hanggang sa ngayon ay wala pang ayuda na natatanggap ang mga ito mula sa pamahalaan ng Pilipinas.
Isang buwan na aniya silang naghihintay ng tulong mula sa konsulada at embahada ng Pilipinas pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap mula sa mga ito.