-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Inaasahan nang mag-aanunsiyo ang iba pang oil companies ng kanilang ipatutupad na oil priec hike sa mga susunod na oras.

Kasunond na rin ito ng pag-anunsiyo ng ilang kumpanya ng kanilang ipatutupad na umento sa presyo ng petrolyo.

Sa advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na magpapatupad ang mga ito ng P0.95 na taas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.50 naman sa kada litro ng diesel at mas mababa ang umento sa kada litro ng kerosene na P0.15.

Magpapatupad din ang Cleanfuel ng parehong adjustment maliban sa kerosene na hindi nila produkto.\

-- Advertisement --

Epektibo ang oil price adjustment bukas Enero 17.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ang mga oil companies ng roll back na aabot sa P0.75 sa kada litro ng gasolina, P2.80 naman sa disel habang ang kerosene ay may bawas na P2.10.