Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ni National Bureau of Investigation (NBI) 10 Regional Director Atty. Patricio Bernales na may iilang miyembro ng KAPA-Community Ministry International Inc. ang nakatakdang magsasampa ng reklamo sa founder nito na nagpakilalang Pastor Joel Apolinario.

Ngunit umaasa si Bernales na madaragdagan ang bilang ng mga complainant upang mas mapalakas pa ang kaso ng kanilang isasampa laban kay Apolinario.

Ayon kay Bernales, kung gusto ng mga miyembro na maisauli ang kanilang naging investment sa KAPA, kailangan ng mga ito na magsampa ng reklamo.

Umapela rin ang naturang opisyal sa mga kagawad ng media na mapaabot sa mga biktima ang dapat gawin ng mga ito para maibalik ang kanilang na invest na pera.

Sa ngayon, naka-freeze na ang P100 million bank deposits ng KAPA, gayundin ang ilang luxury cars at isang helicopter.