Reading Time: 1 minute

Ikinalungkot din ng ilang mga sports personalities sa bansa ang pagpanaw ng beteranong actor na si Eddie Garcia.

Sa kani-kanilang mga social media account ay ipinarating nila ang labis na kalungkutan dahil sa pagpanaw ng actor.

Nag-share ng larawan ng actor si dating volleyball star Gretchon Ho at dito ay hanga siya dahil mayroong 600 na pelikula itong nagawa.

Si MPBL Imus Bandera player at actor Gerald Anderson ay humanga ito sa beteranong actor dahil sa paglilingkod sa bansa noong ito ay nasa kabilang sa uniformed personnel.

Ipinarating din nina dating Gilas assistant coach at ngayon ay NLEX senior manager for marketing Allan Gregorio, University of Santo Tomas star Eya Laure at San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag ang kanilang pakikipagdalamhati sa pumanaw na actor.