LEGAZPI CITY – Nagsasagawa na umano ng regular monitoring ang mga sasakyan panghimpapawid sa Jeddah, Saudi Arabia kaugnay ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sa pag-uulat sa Bombo Radyo Legazpi ni Angela Caligner Sumalpong, isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa Jeddah, normal pa naman aniya ang lagay nila sa ngayon subalit aminadong nangangamba para sa seguridad.

Mas mahigpit na rin aniya ang seguridad na ipinapatupad ngayon sa naturang middle east country lalo pa at napakalapit lamang nila sa Iran kaya posibleng madamay sila sa pinangangambahang kaguluhan.

Dagdag pa ni Sumalpong na nakahanda na ang mga OFWs sa Jeddah na umuwi sa Pilipinas sakaling magpatupad na ng repatiration ang pamahalaan dahil sa pangampa para sa kaligtasan.

Patuloy naman umano ang pagpapaalala ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa naturang bansa sa mga dapat gawin ng mga Pilipino kung kaya hindi na rin sila gaanong lumalabas sa kasalukuyan.

-- Advertisement --