-- Advertisements --
Minneapolis fire protest
Minneapolis fire protest/ Twitter image

Nanawagan si Minneapolis Mayor Jacob Frey sa mga nagsasagawa ng kilos protesta na maging mapayapa.

Ito ay matapso na may ilang gusali ang sinunog at nilooban ng protesters.

May ilang inaresto na rin ang mga otoridad sa nangyaring pagnanakaw at pagkasunog ng ilang mga gusali.

Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang iang residente ng Minnesota matapos ang pagkakasawi ng isang black American na si George Floyd ng ito ay daganan ng pulis sa leeg nito gamit ang tuhod nito matapos na maaresto dahil sa kasong forgery.

Mula ng kumalat ang video sa social media ay maraming mga residente ng Minneapolis ang nagalit dahil sa kahit nagmamakaawa na ang biktima ay hinayaan pa rin ng mga kapulisan ang pangyayari.

-- Advertisement --

Agad namang tinanggal sa puwesto ang apat na pulis na sangkot sa nasabing insidente.