Reading Time: 1 minute
Eddie Garcia 1
Eddie Garcia

Magsisimula ng 3 p.m ngayong Biyernes, Hunyo 21 ang public viewing sa pumanaw na actor na si Eddie Garcia sa Heritage Park.

Ito ay matapos na mai-cremate ang mga labi nito 11 p.m. nitong Huwebes.

Sinabi ng kaniyang step son na si 1-Pacman Rep. Michael “Mikee” Romero, hiniling ng actor na siya ay ma-cremate kapag ito ay pumanaw na.

Sa ngayon aniya ay humingi ang kaanak nito ng privacy para makapiling ang nasabing actor.

Posibleng tumagal ng hanggang Linggo ang isasagawang public viewing para sa pumanaw na actor.

Si Romero ay anak ng longtime partner ni Garcia na si Lilibeth Romero.

Magugunitang nitong Huwebes ng hapon ng pumanaw ang actor sa Makati Medical Center matapos ang 12 araw na pakikipaglaban sa buhay nito dahil sa neck fracture.

Natamo ng 90-anyos na actor ang injury ng ito ay matumba habang nasa shooting ng teleserye.