Muay Thai Team
Muay Thai

Nagsisilbi bilang mga frontliners ang ilang mga atleta ng bansa.

Ilan sa mga dito ay mga miyembro ng Philippine Water Polo team na sina Romark Belo, Mark Jerwin Valdez, McGyver Reyes, Bnel Amiladjid at Adan Gonzales na mga military enlisted.

Ipinatawag ang mga ito ng gobyerno para magbigay ng suporta sa Philippine National Police at Department of Health.

Kabilang ang nasabing mga manlalaro sa water polo team na nakakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian games.

Ilang mga miyembro rin ng Muay Thai Association of the Philippines ang nagsilbi rin bilang medical personnel.

Pinangunahan ito nina silver medalist Irene Lipatan, Preciosa Delarmino, Philip Delarmino, Roland Claro at James Daquil.