Tiniyak ng University of Santo Tomas (UST) at local government of Manila na mahigpit na babantayan ang nakatakdang face-to-face classes para sa ilang estudyante.

Ito’y makaraang aprubahan ng ng Manila City government ang pagbabalik na ng limitadong pasok ng mga mag-aaral.

“Manila City Mayor Isko Moreno approves the proposal of the University of Santo Tomas (UST) to resume limited face-to-face classes for the educational institution’s medical and allied health programs,” saad ng Manila Public Information Office.

Pero agad nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na medical at allied health programs lamang ang kasama sa programa.

Una rito, pinahintulutan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ganitong limited face-to-face classes sa mga nag-aaral ng medisina na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ areas.

-- Advertisement --

Layunin umano ng hakbang na matiyak na may mga doktor pa ring magsisipagtapos, para makatuwang sa kampanya ng gobyerno laban sa mga kumakalat na sakit sa komunidad.