TACLOBAN CITY – Nakapagtala ng baha sa ilang lugar sa Leyte, Samar at Tacloban, dahil sa walang humpay na pag-ulan na dulot ng low pressure area (LPA).

Batay sa record ng Office of Civil Defense-Region 8, partikular na binaha ang mga lugar sa Barangay Suhi sa Tacloban, Quinapondan sa Eastern Samar, at Palo sa probinsya ng Leyte.

Naging unpassable rin sa mga four-wheel vehicle ang Marabong bridge sa Burauen, Leyte, matapos na gumuho ang gilid na parte ng tulay.

Ilang mga pasahero rin ang na-stranded sa bahagi ng Eastern at Northern Samar.