Sisimulan na mamayang gabi Pebrero 1 hanggang Pebrero 6 ang pagpapatupad ng water service interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Manila Water.
Ayon sa abiso ng Manila Waters, magsasagawa sila ng maintenance activities sa mga lugar na maaapektuhan nito.
Pinapayuhan rin nila ang mga residente na ngayon palang ay mag-imbak na ng sapat na tubig bago ang pagpapatupad ng water interruption.
Kabilang sa mga makakaranas ng kawalan ng suplay ng tubig ay ang ilang bahagi ng San Juan, Marikina City, Quezon City,
Kasama rin ang Cainta, Antipolo, Rodriguez, Angono at Binangonan sa Rizal.
Mararamdaman ang kawalan ng suplay ng tubig mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw at alas-6 ng umaga.
Samantala, ngayong alas-10 din ng gabi hanggang bukas ng alas-4 ng madaling araw may ilang lugar din sa Quezon City, Antipolo, Taytay, at Jala-Jala sa Rizal ang mawawalan din ng suplay ng tubig dahil sa pagsasagawa ng maintenance.