Reading Time: 1 minute

KORONADAL CITY – Maagang pumila ang mga lotto bettors sa Lungsod ng Koronadal matapos ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-lift ng suspension order sa operasyon ng lotto sa buong bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay alyas Nita, lotto agent sa isang lotto outlet sa Koronadal, nagpasalamat ito dahil makakapagsimula na silang muli sa kanilang operasyon at napawi ang pangamba nito na mawalan ng trabaho.

Dahil sa pagbawi ng suspension order, alas-7:00 ng umaga pa lamang kanina ay matiyagang naghintay at pumila na ang mga gustong tumaya.

Napag-alaman na ikinatuwa ng mga tumatangkilik sa lotto ang pagbawi ng suspension order dahil naniniwala silang walang mali a operasyon nito, maliban na lamang sa mga patuloy pang iniimbestigahan na small town lottery, Keno at Perya ng Bayan.