Tulad sa mga ordinaryong mamamayan, kanya-kanya ring Holy Week getaway ang ilang mga local celebrities.

Karamihan sa mga ito ay out of the country ang family quality time kabilang ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na kasama ang kanilang mga anak sa Balesin Island, gayundin ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco na nasa Hong Kong kasama rin ang dalawang anak, habang nasa California ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto kasama si baby Tali.

Mistula namang honeymoon muli para sa mga wala pang anak na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, gayundin sina Erwan Heussaff at Anne Curtis na napiling mag-long weekend sa California; habang nasa Indonesia naman sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Enjoy naman sa kanyang out of town si Yassi Pressman na nasa El Nido, Palawan.

Samantala, nasa dagat daw ang isip ni Catriona Magnayon Gray na una nang nagsabi na Miss Universe duties pa rin ang pagkakaabalahan nito ngayong Holy Week.

“Plunging into Holy Week like 💦
I unfortunately won’t be escaping to the beach this weekend but the beach is where my mind will be! 🏖️ What are your plans this long weekend?” caption nito sa kanyang larawan suot ng blue swimsuit.