Pinili ng TV host/actor na si Luis Manzano na huwag munang magtrabaho para sa ka-Valentine nitong si Jessy Mendiola.

Ito’y bagama’t isinikreto ni “Lucky” ang kanilang plano ng celebrity girlfriend para sa “extra special” na na araw bukas, February 14.

“Maalat” naman kung ilarawan ni Albie Casiño ang Valentine’s Day ngayong taon kasunod ng pagtatapos ng apat na taong relasyon nila ng non-showbiz girlfriend noong Nobyembre 2019.

Para sa young actress na si Mikee Quintos, regular na araw na trabaho pa rin ang Araw ng mga Puso dahil wala naman daw siyang makaka-date.

Si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na huling naugnay sa isang basketball player ay nasa Bicol para sa ilang public speaking events, pero hindi nabanggit kung nakapahinga na sa mismong hometown sa Oas, Albay.

-- Advertisement --

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman ay nagpahiwatig na enjoy sa pagiging abala sa New York Fashion Week.

Kung maaalala, bago matapos ang 2019 ay inamin nitong break na sila ng Fil-Swiss car racer na si Marlon Stockinger.