Ilang libong katao ang nagsama-sama at bumuo ng human chain sa Berlin bilang protesta sa nagaganap na racism, discrimination at social inequality.

Umabot sa siyam na kilometro ang human chain na mula sa Brandenburg Gate hanggang Neukoelln.

Nakasuot naman na facemask ang mga lumahok sa nasabing aktibidad.

Bawat dugtong ay mayroong ribbon na tinawag na “ribbon of solidarity”.

Tinatayang nasa 20,000 na mga residente ng Germany ang dumalo sa nasabing aktibidad na nagtapos ng ilang oras.

Kamakailan kasi ay niluwagan na ng Berlin ang ipinatupad nilang lockdown.