Na-relieve sa pwesto ang ilang kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng sangkot umano sa pagbibigay ng proteksiyon sa sindikato ng colorum.
Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, agad na natukoy ang mga tauhan ng ahensiya na posibleng sangkot sa naturang gawain partikular na sa anti-colorum unit at intelligence investigation office ng ahensiya.
Pinabulaanan din ng opisyal na nagbibigay ng proteksiyon sa sindikato ng colorum ang MMDA.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa naturang usapin at nakikipagtulungan na ang MMDA sa Department of the Interior and Local Government para sa paghahain ng criminal complaints sa mga sangkot na personnel ng ahensiya.
Siniguro naman ng opisyal na papaigtingin pa lalo ng ahensiya ang paghabol sa mga colorum na sasakyan.
Samantala, base sa datos ng LTO noong Pebrero, kabuuang 7,252 na sasakyan ang nahuli sa buong bansa sa gitna ng pinaigting na No Registration, No Travel policy.