Ibinunyag ng poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente) na ilang mga job orders ay ginagamit bilang legal vote-buying sa pamamgitan ng pagtrabaho bilang coordinators ng electoral campaign
Ang naturang findings ay bahagi ng 12-week monitoring effort ng poll watchdog sa Abuse of State Resources (ASR).
Saklaw sa ASR ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan gaya ng financial resources, institutional resources, regulatory/legal resources, at coercive/enforcement resources.
Ayon sa Lente na isa itong uri ng political corruption sa Pilipinas kung saan ang mga kandidato o political parties ay hindi wastong ginagamit ang official powers at resources ng gobyerno para manalo sa halalan.
Sinabi pa ng poll watchdog na sa ilalim ng Local Government Code, mayroong kapangyarihan ang local chief executive na makiaalam at mah-hire ng job order personnel ng mas maaga ng isang taon bago ang nakatakdang halalan.
Bunsod nito, inirekomenda ng Lente na amyendahan ang Sction 261 (j) ng Omnibus Election Code para makabalangkas ng isang mekanismo para sa command responsibility bilang local chief executive o alkalde sakaling ang isang perpetrator ng pang-aabuso sa State resources ay isang local government employee o nasa job order contract.
Layon din nito na maayendahan ang Comelec -CSC Joint Circular No. 1 S. 2016 o ang Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities para maisama ang job orders sa ilalim ng pagbabawaln na makilahok sa Electioneering and Partisan Political Activities.
Ipinanuklaa din ng Lente na magsagawa ng ibayong pag-aaral kaugnay sa pratice ng ilang local government units na ginagamit ang probisyon sa Local Economic Enterprise para ma-justify ang mass hiring ng job order casuals.