-- Advertisements --
FB IMG 1587525076150
nbp

Hinihintay na lang daw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) para i-release o palayain na ang mga inmates na ni-recall dahil na rin sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA).

Ayon kay BuCor-Public Information Office officer-in-charge Col. Gabriel Chaclag, sa ngayon may mga waiting for release na umanong mga returness o mga pinabalik noon matapos sumabog ang isyu sa GCTA.

Ayon sa opisyal, kailangan na nilang i-release ang mga inmates para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) maging sa ilang piitan sa bansa.

Aniya, sasalang pa rin naman sa quarantine protocol ang mga inmates bago sila palayain para ligtas ang mga itong makabalik at sa kanilang mga pamilya.

Sa ngayon, dahil pa rin sa pandemic na kinahaharap ng bansa, aabot na sa 22,522 ang mga persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya sa iba’t ibang piitan sa bansa sa pamamagitan ng videoconferensing mula nang tumama ang coronavirus scare sa bansa noong Marso ayon sa Supreme Court (SC).

-- Advertisement --