-- Advertisements --

Wala na sa bansa ang ilang heinous crime convicts na nakalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, ayon ka Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año.

Pero sinabi ni Año na nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang Philippine National Police sa Interpol para mapabalik sa bansa ang mga nakalayang nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Gayunman, aminado ito na wala silang magagawa kung ang pinuntahan ng mga bilanggong ito ay walang extradition agreement sa Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Corrections, nasa 22,049 persons deprived of liberty ang napalaya mula noong 2014 anggang 2019 sa pamamagitan ng GCTA at 1,914 sa mga ito ay convicted sa heinous crimes katulad na lamang ng murder at rape.