Nasunog ang ilang mga establishimento sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City Kagabi.

Mabilis na nirespondihan ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa Peacock Street na itinaas pa ito sa unang alarma.

Nadamay ang ilang bentahan ng damit at panaderya sa nasabing lugar.

Mahigit isang oras naman bago tuluyang nakontrol ng BFP ang nasabing sunog sa lugar.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi at ang halaga ng damyos ng nasabing sunog.