bible books
Bible books (photo from catholicbiblestore.com)

ILOILO CITY – Suportado ng Department of Education (DepEd) ang mandatory bible reading sa public elementary at high school sa bansa.

Ito ang kasunod ng imimungkahing House bill No. 2069 ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. kung saan binibigyan ng importansiya ang pagbasa ng bibliya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Lea Belleza, information officer ng Department of Education-6, sinabi nito na suportado ng ahensya ang nasabing panukala dahil makakatulong ito sa mga estudyante na mas mapalapit sa Panginoon.

Ayon kay Belleza, ang kanilang pinangangambahan ay kung paano ito ipapatupad.

Inihayag ni Belleza na may mga estudyante na mula sa ibang religious denomination at posibleng magkaproblema dahil may sariling intepretasyon ang bawat relihiyon kung bibliya ang pag-uusapan.

Sa kabila nito, umaasa si Belleza na mapag-aralan ng mga mambabatas ang nasabing panukala.