Nakatanggap ng tulong mga dating violent extremists sa Lanao del Norte mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ito ang kinumpirma mismo ng pamunuan ng naturang ahensya.
Aabot sa tatlong dating violent extremists ang naabutan ng tulong pinansyal.
Nakatanggap ang mga ito ng tig-₱10,000 mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay na ang nasabing tulong ang bilang suporta sa implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.
Ito ay sa ilalim naman ng Executive Order No.70.
Personal na dumalo sa naturang event Brigadier General Anthon Abrina at iba pang opisyal ng 2nd Mechanized Infantry Brigade ng AFP.
Samantala, ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay mandato sa ilalim ng Administrative Order No. 10 (AO 10), series of 2018.
Ito ay nagbibigay ng g complete package ng assistance sa dating rebelde na nagbalik loob sa gobyerno.