-- Advertisements --

Mas marami pang mga health workers ang posibleng nasawi sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp., ayon sa MalacaƱang.

Sinabi ito ni presidential spokesperson Harry Roque bilang dipensa sa desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula sa Pharmally, ilang araw matapos na aminin naman ng opisyal ng kompanya na si Krizle Mago sa pagdinig sa Senado na pinalitan nila ang expiration dates ng mga face shields na binili ng gobyerno para sa mga health workers.

Iginiit ni Roque na “worth it” ang ilang bilyong pisong ginastos ng pamahalaan sa mga biniling pandemic supplies dahil ang mga ito ay para na rin naman sa mga Pilipino.

Dagdag pa niya, nagbigay na rin ang Department of Health ng clearance sa paggamit ng mga face shields salig sa standards ng World Health Organization.

Ayon kay Roque, kung totoo naman ang mga claims ni Mago, dapat panagutin ang mga nasa likod ng tampering ng expiration dates ng mga face shields na binigay nila sa pamahalaan.