KORONADAL CITY – Lumikas ang mga residente sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat matapos binaha ang mga bahay at pananim.

Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, nagsimula ang pagbaha bandang alas-6:00 ng gabi sa bahagi ng Prk. Bagong Silang sa Barangay Poblacion matapos tumaas umano ang tubig sa Molo River dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin.

Ilang mga pananim din ang pininsala ng pagbaha.

Ayon sa ilang residente, hanggang tuhod ang lalim ng tubig-baha kung saan halos isang purok ang apektado.

Sa ngayon patuloy ang damage assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga apektadong residente at binigyan na ng relief packs ang mga ito.

Ttiniyak naman sa mga magsasaka ang kaukulang ayuda sa mga pananim nilang sinira ng kalamidad.