-- Advertisements --
Pinaburan ng ilang mga sports analyst ang Boston Celtics na siyang mananaig sa kanilang serye laban sa Miami Heat sa Eastern Conference finals.
Bukas ang simula na ng Game 1.
Ngayon pa lamang hinuhulaan ng maraming mga sports analysts na mas abanse raw sa lalim (depth) ng mga players ang Boston kumpara sa Miami.
Sinasabing mas championship caliber din daw ang Celtics makaraang masilat ang defending champion na Milwaukee Bucks sa Game 7.
Kabilang din sa malaking pagbabago ang inilalaro ni Jason Tatum na nasapawan ang all-around performance ng dating Bucks MVP na si Giannis Antetokounmpo.
Ang match up bukas ng Boston versus Miami ay mistulang rematch noong 2020 playoffs bubble.
Hangad din ng Boston na makaganti laban sa Heat.