nokor missile
Nokor Missile/ file photo

Muling naglunsad ng short-range projectile missiles ang North Korea.

Ito na ang pangatlong beses na missile test na isinagawa ng North Korea ngayong linggo at pang-apat sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ayon sa South Korea, inilunsad ito madaling araw ng Biyernes, Agosto 2 sa Yonghung area sa South Hamgyong province sa Sea of Japan.

Itinuturing na ito ang naging reaksyon ng North Korea sa planong military exercise sa pagitang ng US at South Korea.