Sa darating na Setyembre 18 hanggang 20 napiling isagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang internet voting test run kasama ang technology supplier na Smartmatic.

Ayon kay Comelec Office for Overseas Voting (OFOV) director Sonia Bea Wee-Lozada, alas-8:00 ng umaga sa Setyembre 18 hanggang sa alas-8:00 ng Setyembre 20 nila isasagawa ang ikalawang bahagi ng internet voting test run na ito.

Ang mga participants na sumali sa unang bahagi ng internet voting test run ang siya ring makikibahagi sa isasagawang test run sa weeked.

Ang mga ito ay magmumula sa 70 bansa at ito ay isasagawa sa tulong ng Department of Foreign Affairs.

Sa darating na Lunes, Setyembre 20, magkakaroon ng closing ceremony ang Comelec para sa aktibidad na ito.