DAVAO CITY – Nagsasagawa ng misa kaninang alas-4:00 ng umaga ang lokal na pamahalaan ng New Bataan Compostela Valley bilang bahagi nang paggunita sa ika-pitong taon ng pagtama ng Bagyong Pablo sa lalawigan na ikinasawi ng libo-libong mga residente.

Pagkatapos ng misa ay sinundan ito ng prusisyon mula sa Fr. Padua Parish papuntang San Roque parish sa Barangay Andap Compostela Valley.

May malaking krus rin na inilagay sa lugar kung saan nangyari ang mudslide at maraming biktima ang hindi na nakita.

Sinabi ni Gov. Tyron Uy na maliban sa misa, may isasagawa rin na programa ang lokal na pamahalaan bilang pag-aalala sa mga nasawi sa naturang bagyo.