Dinagdagan muli ng Pinay tanker na si Jasmine Alkhaldi ang kaniyang koleksyong ng bronze medal matapos itong makakuha ng 25.48 seconds record time sa women’s 50 meter freestyle.

Si Xiang Qi Amanda Lim ang nakapag-uwi ng gintong medalya sa record time na 25.06 seconds.

Bronze medal naman ang naibulsa ni Ard Jenjira Srisa dahil sa record time na 25.32 seconds.

Nakasungkit din ang Pinay tanker ng bronze medal mula sa women’s 100 meter backstroke (1:4.08).

Naibulsa naman ni Thi Anh Vien Nguyen mula Thailand ang gintong medalya matapos nitong makapagtala ng record time na 1 minute 09.27 seconds.

Silver medal naman ang nabingwit ng isa pang Pinay swimmer na si Chloe Isleta (1:03.85).