Naglabas na ang Malacañang ng isang proklamasyon para isulong pa ang pagbabawal sa hazing.

Sa ilalim ng Proclamation No. 907 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte nito lamang Pebrero 21, idinideklara bilang “National Hazing Prevention Week” ang ikalawang linggo ng Pebrero ng kada taon.

-- Advertisement --

Kaugnay nito, inaatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na palakasin sa linggong ito ang kampanya ng gobyerno laban sa hazing.

Nakasaad umano sa Section 8 ng Republic Act No. 8049 na minamandato ang mga paaralan na magsagawa ng “information dissemination campaigns” para hustong maipaliwanag sa mga estudyante at sa mga magulang ang panganib na dala ng partisipasyon sa hazing activities.

Inuutusan din ng Malacañang ang state universities and colleges, government-owned and controlled corporations, at iba pang departmento at ahensya ng pamahalaan, na mag-abot ng suporta sa CHED sa paglulunsad nito ng mga programa para sa National Hazing Prevention Week.

Kung maaalala nitong mga nakaraang taon, ilang estudyante na ang napabalitang namatay dahil sa hazing.

PMA CADET
Cadet 4th Class Dormitorio
Screenshot 2019 06 17 15 36 56
Castillo from UST

Kabilang dito si Darwin Domitorio mula sa Philippine Military Academy na namatay Setyembre noong nakaraang taon, at si Horacio Castillo na mag-aaral mula sa University of Sto. Tomas (UST) na nasawi rin sa hazing taong 2017.