-- Advertisements --
image 382

Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang ikalawang batch ng mga overseas Filipino workers (OFW) na naipit sa giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

Ayon sa Department of Migrant Workers, binubuo ang ika-2 batch ng 18 Filipino repatriates kung saan 14 dito ay caregivers at 4 ang hotel employees.

Makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng tig-P100,000 tulong pinansiyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration at DMW, skills training vouchers, karagdagang financial assistance mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at psychosocial evaluation and assessment services.

Gayundin makakatanggap ng dagdag na suportang pinansiyal ang mga returning OFW na may anak na pinapaaral.

Ang mga Pilipinong planong magpermanente na dito sa bansa ay makakatanggap din ng mga inteventions mula sa National Reintegration Center for OFWs at OWWA.

Una ng naiuwi sa bansa noong araw ng Miyerkules ang unang batch ng repatriates na binubuo ng 15 caregivers, isang hotel worker at isang buwang sanggol.