Umaasa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na mapapabilis na ang pagresolba ng mga kaso sa ilialim ng bagong talagang Chief Justice na si Diosdado Peralta.

Sinabi ni IBP President Domingo Egon Cayosa, na sa 25 panununkulan ni Peralta sa hudikatura ay alam na nito ang kalagayan ng mga kasong natatambak sa korte.

Gaya aniya sa mga mabilisang pagresolba ni Peralta sa mga kasong hinawakan niya mula pa noong ito ay nakatalaga bilang trial court judge, justice ng Sandiganbayan at mahistrado ng Korte Suprema.

Tiniyak naman ni Cayosa na makikipa-ugnayan sila sa bagong talagang chief justice.

Magugunitang pormal ng itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Peralta bilang pang 26th na chief justice na papalit kay Lucas Bersamin na nagretiro na.