Taal crater

Muli raw nanumbalik ang pagbuga ng Taal volcano ng sulfur dioxide ngayong araw.

Sa advisory ng Phivolcs, tumaas pa ang sulfur dioxide emission ng nag-aalburutong bulkan.

Una nang ipinaliwanag ng Phivolcs na kapag dumami ang sulfur dioxide na ibinubuga ng bulkan ay indikasyon itong mayroong paakyat na magma sa crater o bukana ng bulkan.

Kaya naman hindi pa rin ibinababa ng Phivolcs ang alert level 4 at inirerekomenda pa rin ang mandatory evacuation sa mga residenteng nasa loob ng 14-km permanent danger zone (PDZ).

Sa pinakahuling data ng Phivolcs, ang sulfur dioxide na ibinuga ng Taal volcano ay may average na 409 tonnes per day mas mataas ito sa average kahapon na 224 tonnes per day.

-- Advertisement --

Pero ang pinakahuling figure ay mas mababa pa rin sa average ng 5,299 tonnes kada araw noong Enero 13, isang araw matapos sumabog ang bulkan.