iloilo dugong bombo

ILOILO CITY – Muli na namang nagbuklod-buklod ang iba’t ibang fraternities sa Iloilo para sa Dugong Bombo 2019.

Kabilang sa mga nagbigay ng commitment ay ang Samahan ng mga Sigma Rho sa Pilipinas, Guardians Brotherhood Inc.-Zebra Chapter, at marami pang iba

Samantala, sa mga organisasyon naman kabilang sa mga nag-donate ng dugo ay ang Philbikers Mosrai Original at iba’t ibang transport group sa Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Kagawad Romar Martirez, president ng Guardians Brotherhood Inc.-Zebra Chapter, sinabi nito na full force ang kanilang grupo sa pag-donate ng dugo sa bloodiest blood-letting activity.

Ayon pa kay Martirez, nakagawian na ng kanilang grupo na sumali sa blood letting activity ng Bombo Radyo Philippines dahil naiintindihan aniya nila ang pangangailangan ng dugo.

Nais rin nilang ipaunawa publiko na sila ay hindi naghahasik ng karahasan bagkus sila ay tumutulong nangangailangan.

Ang iba pang volunteers ay maaga ring pumunta sa venue sa Iloilo Science and Technology Univsersity (ISATU) na nasa Burgos St., Lapaz, Iloilo City.