trump vs twitter 2
US President Donald Trump signs executive order against social media companies.

Pinutol na ni President Donald Trump ang federal funding para sa lahat ng social media platforms na magbabawal sa isang indibidwal na ipahayag ang kaniyang political view tungkol sa partikular na usapin.

Kasunod ito ng pagpirma ni Trump sa executive order section 230 ng Communications Decency Act of 1996 (CDA) na nagtatanggal ng statutory liability protections para sa bawat tech companies na sangkot sa censorship at political conduct.

Ginawa ang hakbang na ito matapos isailalim sa fact-check at lagyan ng label bilang “misleading” ang naging tweet ni Trump sa kaniyang personal Twitter account.

Ayon sa American president isang malaking kalokohan umano kung isasailalim ng mga social media companies na ito sa fact-check ang saloobin ng isang user.

Binanatan din ni Trump ang nasabing social media platform na sinusubukan daw manghimasok sa magaganap na 2020 US presidential election.

“My executive order further instructs the Federal Trade Commission (FTC) to prohibit social media companies from engaging in any deceptive acts or practices affecting commerce. This commerce resides in Section 5 of the Federal Trade Commission Act. Additionally, I’m directing the attorney general to work cooperatively with the states to enforce their own laws against such deceptive business practices. The states have broad and powerful authority to regulate in this arena,” wika ni Trump.

Ang CDA ay ginawa upang pangalagaan ang mga offensive material kasabay nang panghihikayat sa open Internet. “No provider or user of an interactive computer service shall be treated as the publisher or speaker of any information provided by another information content provider. No provider or user of an interactive computer service shall be held liable on account of any action voluntarily taken in good faith to restrict access to or availability of material that the provider or user considers to be obscene, lewd, lascivious, filthy, excessively violent, harassing, or otherwise objectionable, whether or not such material is constitutionally protected,” nakasaad dito.