Hindi umano nababahala si IBF welterweight champion Errol Spence Jr. kung mas pinapaboran na ngayon ng ilan ang challenger nitong si Danny Garcia na magwagi sa kanilang laban sa darating na Marso 17 (oras sa Pilipinas).

Ayon kay Spence, mas pinagtutuunan daw nito ng pansin ngayon ay ang usad ng kanyang preparasyon para sa kanyang title defense.

“That’s not anything I’m paying attention to,” reaksyon ni Spence sa paglaki umano ng tsansa ni Garcia na manalo. “I can’t worry about that, just what my team thinks and how our preparation is going. I wouldn’t care if the odds change (in his favor), me and him are gonna get in that ring and fight.”

Sa ngayon kasi ay 4/1 favorite si Spence, at nananatiling nasa 9/2–5/1 range sa mga sportsbooks.

Ngunit tila hati ngayon ang mga insiders sa industriya sa kung sino ang maghahari sa naturang boxing match kung saan ayon sa ilan, posibleng magawa ni Garcia na masilat ang American undefeated boxer.