duterte on middle east

Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa MalacaƱang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani ng Dangal Awardees.

“I accept the apology, of course, I accept,” ani Pangulong Duterte

Kaugnay naman sa prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Pangulong Duterte, bahala na ang Kongreso at hindi siya nakikialam sa trabaho ng mga mambabatas.

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa Kamara na ang bola dahil sa kanila dapat magmumula ang franchise bill bago aakyat sa Senado.

-- Advertisement --

Iginiit din ni Pangulong Duterte na wala siyang tinawagan ni isa m,ang kongresista para pigilan ang prangkisa ng network.

Malaya daw ang sinuman na magtanong at kung mapatunayang may tinawagan siyang kongresista, agad siyang magbibitiw.

Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya maaring pigilan si Solicitor General Jose Calida sa ginawang paghahain ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Independent umano ang SolGen kaya hindi niya maaring diktahan sa anong dapat gawi sa trabaho.

KARLO KATIGBAK
ABS-CBN CEO and president Carlo Katigbak