Nakipagpulong ang House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity sa mga gobernador ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at ng Third Party Monitoring Team o TPMT of the Bangsamoro Transition.
Tinalakay sa paunang pulong ang kalagayan ng prosesong pangkapayapaan ng BARMM kung saan inihayag din ng mga gobernador ang kanilang mga saloobin sa third party monitoring team (TPMT) gayundin sa prosesong pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front.
Hinimok naman ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang mga opisyal ng TPMT na dalasan ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na mas nakakaalam kung ano ang mga nangyayari sa kanilang mga nasasakupan.
Tiniyak naman nina TPMT Chairman Heino Marius at TPMT Member Sam Chittick na muli silang makikipagpulong sa mga lokal na opisyal ng BARMM.
Giit naman ng chairman ng Committee na si KUSUG TAUSUG Party-list Rep. Shernee Tan-Tambut, mahalagang isama ang mga lokal na opisyal sa proseso ng pagdekomisyon.
Binanggit din ni Tan-Tambut na nais makita ng lupon at ang mga lokal na opisyal ng BARMM ang listahan ng mga kawal, upang matiyak na hindi mangyayari ang mga katiwalian sa rehiyon ng BARMM na bibigyan ng P70-billion block grant taun taon.
Kabilang sa dumalo sa nasabing pulong sina Sultan Kudarat Governor Pax Ali Mangudadatu, Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, at TPMT Members Huseyin Oruc at Karen Tañada.
Samantala, binati naman ni Lise Grande, President ng United States Institute of Peace (USIP) ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity hinggil sa pagdiriwang ng peace month.
Binati din nito ang mga newly-appointed members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Ang USIP isang independent institution na binuo at pinondohan U.S. government na magta trabaho kasama ang U.S. departments at mga ng sa gayon maiwasan ang outbreak ng violent conflict sa buong mundo.